• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, October 16, 2026
29 °c
Romblon
28 ° Sat
29 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    NIA Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa 500 ektaryang sakahan

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

    Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan

    San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
28 ° Sat
29 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Alamin ang mga ‘kinandadong bayani’

Romblon NewsbyRomblon News
June 2, 2020 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 15 mins read
7
0
U_Spy: Alamin ang mga ‘kinandadong bayani’
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang mahigit sa dalawang linggo at ang iba eh inabot pa ng mahigit isang buwan na mistulang “pagkakakulong” sa mga quarantine facility, nagsimula nang pauwiin mga tropapips sa kani-kanilang mga lalawigan ang libu-libong OFWs na nagbalikan sa Pilipinas dahil sa epekto sa mundo ng COVID-19 crisis.

Kung hindi pa siguro naglabasan sa media ang hinanakit ng maraming OFWs na buryong na buryong na sa mga quarantine facility, aba’y baka hindi pa nalaman ng Malacanang ang pinagdadaanang hirap at lungkot ng mga kababayan nating tinatawag na bagong bayani. Kung may sapat man na pondo ang pamahalaan natin na panggastos ngayon at kung bakit naging matatag ang reserba nating dolyares, aba’y isa sa mga dahilan niya ang dollar remittances na ipinadadala nila.

Alam ba niyo na bago tayo lumpuhin ng COVID-19 nitong Marso eh umabot pa sa $5.566 bilyon ang personal remittances ng mga Pinoy na nasa abroad mula Enero hanggang Pebrero. At mas mataas ‘yan sa $5.302 bilyon kumpara sa kaparehong parehong noong 2019, ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Hindi lang ‘yon, ang cash remittances naman na dumaan sa mga bangko, umabot sa $5 bilyon. Kaya naman siguro kung anuman ang ginagastos ngayon ng pamahalaan sa pagpapauwi at pagkuha sa kanilang tinuluyang bilang quarantine facility, aba’y siguro naman eh kayang-kayang gastusan mula sa mga ipinadala nilang remittances.

Pero hindi lang dapat sa gastos sa pagpapauwi at tinuluyan nila ang binuhusan ng pondo para sa mga OFW— dapat pati ang gastos sa kanilang COVID-19 tests. Sa protocol, dapat sanang 14 days lang ang kanilang quarantine, ngunit ang nangyari, may inabot na ng mahigit isang buwan.

May mga buntis pa ngang OFW na sa mga quarantine facility na inabot ng panganganak dahil sa paghihintay ng resulta ng kanilang COVID-19 tests. Ang ibang OFWs, gaya ng mga seafarer, ilang linggo na munang natengga sa mga barko nila sa laot bago pinayagang makadaong. At pagdating nila sa lupa, panibagong quarantine na naman, at kung mamalasin sa pag-uwi nila sa kani-kanilang lalawigan eh baka ipa-quarantine uli sila.

Kung hindi pa nga umabot sa Palasyo ang hinaing ng mga OFWs sa tagal na lumabas ang resulta ng kanilang COVID-19 tests, aba’y baka hindi pa nalaman ni President Mayor Digong Duterte ang kanilang sitwasyon. Kaya ang utos niya, ilabas na ang mga resulta at pauwiin sa loob ng isang linggo ang tinatayang 24,000 OFWs na nakatengga sa Metro Manila.

Tulad ng ibang problema at kapalpakang lumalabas sa pagharap ng bansa sa COVID-19, siyempre may turuan pero walang aminan. Ang mahalaga, tapusin ang dapat tapusin sa mga OFWs, unahin ang dapat unahin tulad ng iba pang mga buntis na OFWs na nasa quarantine facilities. Aba’y kung totoo kasi na tinatayang mayroon pang 30,000 hanggang 40,000 OFWs at Pinoy na galing sa abroad ang mag-uuwian at ika-quarantine, dapat lang na makauwi na ang 24,000 na nandito para mayroon namang tutuluyan ang mga paparating.

At siguro naman, alam na ng mga kinauukulan ang dapat nilang gawin para hindi na maulit ang “pagkakakulong” ng mga darating na bagong OFWs.

Samantala mga tropapips, nagpayo ang ilang nating kurimaw na banas sa mataas na billing ng kuryente na huwag daw masyadong umasa na bababa nang bongga ang May “shocking” billing kahit maglalabas umano ng panibagong billing ang Meralco sa June.

Imposible raw kasi na ibaba ng Meralco nang husto ang billing sa Mayo dahil kapag nangyari ito eh lalabas na talagang nagkaroon sila ng pagkakamali sa una nilang ginawa na hula-hula with “full ECQ-impact” kuno. Kung may mabawas man sa May billing, malamang daw eh kapiranggot lang at dahil ito sa sinusping environmental charge na iniutos ng Energy Regulatory Commission. Kung tama ang ating mga kurimaw, abangan.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    858 shares
    Share 343 Tweet 215
  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    4253 shares
    Share 1701 Tweet 1063
  • Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    827 shares
    Share 331 Tweet 207
  • Rank 1 most wanted sa Romblon, arestado sa Laguna

    938 shares
    Share 375 Tweet 235
  • San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan

    83 shares
    Share 33 Tweet 21
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Ordinansa para sa regular na HIV testing sa mga vulnarable sector, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan

RSU, kinilala ang Romblon News Network bilang katuwang sa pag-unlad

DTI Romblon, nagsagawa ng product standards monitoring sa buong lalawigan

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up