Sugatan ang isang lasing na lalaki matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa barangay Agutay sa bayan ng Magdiwang, Sibuyan Island nitong Miyerkules ng gabi, June 17.
Ang biktimang si Edmund Ravalo ay nakainom umano ng alak nang magmaneho pauwi sa Cajidiocan galing trabaho bilang construction worker.
Dinala agad ang biktima sa Rural Health Center para doon gamutin na nagtamo ng ‘deep lacerated wound’ sa kanang bahagi ng mata dahil sa kanyang pagkakaaksidente.
Pinaalalahanan naman ng Magdiwang Disaster Risk Reduction Management Office at ng Philippine National Police ng bayan na huwag magmaneho kapag lasing para maiwasan ang anumang aksidente.