Pinasinayaan na nitong Lunes, June 22, ang bagong gusali ng headquarters ng Romblon Police Provincial Office (PPO) sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ang nasabing inagurasyon ay pinangunahan nina PBGen. Nicerio Obaob, Regional Director ng PNP Mimaropa, Cong. Eleandro Jesus Madrona, Gov. Jose Riano, Romblon town Mayor Gerard S Montojo at Police Col. Arvin Molina, Provincial Director ng Romblon PPO.
Malaking tulong ang nasabing bagong gusali lalo na sa mga kapulisan ng Romblon dahil maaliwas ang loob ng bagong gusali at malapad para tumanggap ng mga bisita.
Sa mensahe ni Governor Riano sa nasabing inagorasyon, pinasalamatan nito ang mga kapulisan sa tulong nila sa pagbabantay sa mga kalsada lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa pandemic na Covid-19.