Negatibo sa Covid-19 ang dalawa sa mga staff ng Romblon District Hospital (RDH) ayon sa opisyal na anunsyo ni Provincial Epidemiology Surveillance Unit at ni Governor Jose Riano.
Ayon kay Governor Jose Riano, ang resulta ng 2 sa 25 na kinunan ng swab samples ay dumating ngayong umaga mula sa Research Institute for Tropical Medicine.
Isa sa nag negatibo sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ay isa sa dalawang nurse na nagpositibo sa Immunoglobulin M (IgM) sa isinagawang rapid testing sa kanila noong Biyernes, May 29.
“Hinihintay pa natin ang resulta ng iba pang empleyado [ng RDH] na nag-undergo ng swab [test],” anunsyo ni Governor Riano sa kanyang Facebook page.
Mananatili naman umanong naka-lockdown ang ospital habang inaantay pa ang resulta ng 23 pang close-contact ni Patient #3.