Bilang paggunita sa ika-119 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Romblon at sa ika-75 na pagkakalaya nito noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan sa darating na ika-16 at ika-18 ng Marso, ganun rin ang mga pampublikong opisina.
Alinsunod ito sa Republic Act 9642 “An Act Declaring March 16 of Every Year as Romblon Foundation Day and a Special Non-Working Public Holiday in the Province of Romblon” at Proclamation No. 430, s. 1989 “Declaring March 18 of every year as Special Holiday in the islands of Panay and Romblon, including the cities of Iloilo and Roxas,” na nilagdaan ni dating pangulong Corazon C. Aquino noong Hulyo 21, 1989.


































