Dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus, sinuspende ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng upcoming regional activities nito kabilang na ang nakatakdang MIMAROPA Regional Athletic Association (RAA) meet 2020 na gaganapin sa Romblon, Romblon.
Ayon sa inalabas na pahayag ng DepEd nitong Linggo, sinabi nila na pansamantala munang hindi matutuloy ang mga scheduled national at regional events na lalahukan ng mga estudyante sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nilinaw ng DepEd na hindi kabilang sa advisory ang Palarong Pambansa na nakatakdang ganapin sa May dahil wala pang sinasabi ang Palaro board.
Samantala, tuloy naman ang National Festival of Talents (NFOT) at National Schools Press Conference (NSPC) ngayong linggo dahil nasa venue na umano ang ilang participants.
Nakatakda sanang ganapin sa susunod na buwan ang MIMAROPA Regional Athletic Association (RAA) meet.