Bilang pag-iingat sa banta ng 2019 novel coronavirus, nagpatupad ng mahigpit na monitoring ang mga opisyal ng Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, Romblon simula nitong Linggo.
Katunayan, sa isang basketball game sa nasabing barangay, ang lahat ng pumapasok na mga manonood ay kinukuhaan muna ng kanilang body temperature at sinisigurong walang lagnat bago makapasok sa court.
Pinaghugas rin sila ng kamay gamit ang alcohol para makasigurong malinis ang kanilang mga kamay.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ipagpapatulay nila ang ganitong mga measures para masigurong ligtas sa sakit ang mga malalaking event na ginanaganap sa kanilang barangay.