Tiklo sa mga operatiba ng Santa Fe Municipal Police STation ang dalawang mangingisda na iligal na gumagamit ng kompresor nitong nakalipas na Sabado, Pebrero 29.
Kinilala ang mga naaresto na sina Leobert Cawaling Bantang at Sixto Villanueva Evangelio, pawang residente ng Barangay Tabugon.
Ayon sa pulisya, bandang alas-7:30 ng umaga ng makatanggap sila sumbong mula sa isang residente ng Sitio Cawagan,Brgy. Tabugon, Santa Fe, Romblon na may mangingisda sa lugar na gumagamit ng kompresor kaya agad nila itong pinuntahan.
Inaresto ang dalawa dahil sa paglabag sa municipal ordinance N41 S.2020 o mas kilalang bilang ‘Ordinance Regulating use of Compresor as Breathing Apparatus’.
Agad rin naman silang pinakawalan matapos magbayad ng P2,500 sa municipal treasurer’s office bilang kanilang multa.
Paalala ng mga otoridad, laging sundin ang batas at huwag ng gawin ang mga ipinagbabawal para hindi malagay sa piligro.