Simula sa susunod na buwan ay magkakaroon na ng direktang biyahe patungong Calatrava sa Tablas Island galing sa Batangas Port, ito ay sa pamamagitan ng bagong ruta ng mga barko ng Navios Shipping Lines, Inc.
Base sa inalabas na schedule ng pamunuan ng barko, aalis ang barko galing Batangas Port patungong Calatrava tuwing alas-3 ng hapon ng Martes at Biyernes, at dadating ng ala-1 ng madaling araw kinabukasan. Didiretso ito ng Romblon, Romblon galing Calatrava.
Babalik ito ng Calatrava tuwing ala-una ng hapon ng Miyerkules at Sabado, at aalis ng Calatrava patungong Batangas tuwing alas-4 ng hapon.
Narito pa ang ibang detalye kaugnay sa nasabing bagong ruta.