Sugatan ang isang lalaki sa bayan ng Romblon, Romblon matapos itong tagain habang nasa isang inuman sa Barangay Sawang nitong gabi ng Valentine’s Day.
Ayon sa report mula sa Romblon Police Provincial Office, bandang alas-9 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima na si Ody Mercurio, 45, sa kanyang step son nang biglang dumating si Efipanio Flaviano, 42, at walang anu-ano’y tinaga ang suspek sa kamay.
Tangka pa sanang susundan pa ng suspek nauna niyang hataw ng bolo, ngunit napigilan ito ng step son ni Mercurio at nakuha ang ginamit na bolo ng suspek.
Agad tumawag ng mga tauhan ng Barangay ang mga kamag-anak ng biktima upang agad itong maisugod sa Romblon District Hospital.
Naaresto rin agad ang suspek ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station at ngayon ay nakakulong na para harapin ang kasong frustrated homicide.
Hindi pa alam ng mga otoridad ang dahilan ng suspek kung bakit niya nagawa ang krimen.