Tiklo sa anti-illegal drug buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng Romblon Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency ang isang lalaki sa bayan ng Romblon, Romblon na nakulong na noong dahil naman sa akusasyong panghihipo.
Kinilala ang suspek na si Paul Anthony Ilisan Fallarcuna, o alyas Penggoy, 21 taong gulang.
Ayon sa report na nakarating sa Romblon Police Provincial Office, hapon ng February 10, nang isagawa ng operasyon laban sa suspek kung saan nakabili umano ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang mga oparatiba sa halagang P1,000.
Agad inaresto ang suspek matapos umanong magkaabutan.
Maliban sa nabiling isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, nakuhaan rin di umano ang suspek ng isa pang sachet.
Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Fallarcuna, ay ika-apat na sa mga drug suspek na nadakip ng mga tauhan ng gobyerno ngayon lamang na buwan.