Patay na ng matagpuan sa loob ng kanyang tinitirhang bahay sa Estrella Homes, Barangay Toclong, Kawit, Cavite ang isang dalagang Romblomanon matapos itong pagsasaksakin ng magnanakaw.
Ayon sa Kawit Municipal Police Station, bandang alas-8 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Sarah Kaye Mindo, 29-anyos, na may saksak at nakahandusay sa sahig.
Batay sa ilang saksi, tiniturong suspek sa pagpatay ang isa sa mga gwardya ng subdivision na kinilalang si Regie Boy Estabillo, 26 anyos, at tubong Koronadal City.
Posibleng nilooban ng suspek ang bahay ni Mindo para pagnakawan ngunit posibleng nakapaglaban ang biktima kaya naanduyan siya ng saksak ng suspek.
Nagkalat rin umano ang dugo ng biktima sa lugar na pinangyarihan ng krimen, indikasyon na nakipagbuno pa ito sa suspek.
Iniimbestigahan na ng Kawit Municipal Police Station ang nasabing krimen at tinitingnan rin kung ginahasa pa ang biktima ng suspek.
Samantala, nagsagawa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Kawit Municipal Police Station at Cavite Police Provincial Office para sa ikaaresto ng suspek na hanggang ngayon ay hindi parin nakikita.