Ipatutupad na simula ngayong Miyerkules, January 15, ang curfew para sa minors ayon kay OIC Mayor Atty. Marvin Ramos.
Nakipagpulong na ngayong araw si Ramos sa mga kapitan 14 na barangay sa bayan upang pag-usapan ang ordinance kaugnay rito.
Ipagbabawal ang mga batang edad 17 pababa sa kalsada ng bayan simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kapag wala silang kasamang matanda.
Maliban rito, napag-usapan rin sa pagpupulong ang road clearing operation sa mga barangay ng nasabing bayan, alinsunod sa utos ng Department of Interior and Local Government (DILG).