Ilang araw lang matapos na magpakawala sa Ferrol, Romblon ng 95 na baby olive ridley sea turtle, panibagong batch nanaman ng pawikan ang pinakawalan sa dagat nitong January 17.
Aabot sa 87 na hatchlings na Hawksbill Sea Turtle ang pinakawalan ng mga tauhan ng ilang volunteers, mga bantay dagat, at mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Science and Technology sa Pawikan Hatchery ng Bgy. Bunsuran.
Ang mga seaturtle ay napapabilang na ngayon sa mga endangered species kaya ang lagi nilang pangingitlog sa Ferrol ay malaking bagay para dumami sila.
Hiling ng DOST sa publiko, ‘tulong-tulong po tayo sa pag-conserve ng endangered species na gaya nito’,