Isa lamang sa labing-apat na graduate ng Romblon State University na kumuha ng October 2019 Certified Public Accountant Licensure exam ang nakapasa, batay sa datus na inilabas nitong Lunes ng Professional Regulation Commission (PRC).
Ang nakapasa ay kinilala ng pamantasan na si Diane Meralei Tan Chua, tubong Odiongan, Romblon. Si Chua ay isa sa anim na retakers na kumuha ng exam, hiwalay pa sila sa siyam na first time na kumuha ng nasabing pagsusulit.
Batay sa datus ng PRC, sa pangkalahatan ay 2,075 lang ng 14,492 na kumuha ng exam o 14.3% lamang, posibleng pinakamababa datus nakuha sa Certified Public Accountant Licensure examination.
Ang nasabing pagsusulit ay ginanap sa mga siyudad ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban at Tuguegarao.