Nagsagawa ng supresang pagbisita si Marinduque Reprsentative at bagong House Energy Chairman Lord Allan Jay Velasco sa solar power plant ng Sunwest Water & Electric Company, (SUWECO) sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon ngayong Sabado, August 3.
Ayon kay Dennis Alag, ISD Manager ng Tablas Island Electric Cooperative, kasama ni Velasco sina Sunwest Group Chairman Zaldy Co at Gaudencio Jr Sol General Manager ng Marinduque Electric Cooperative.
Nais umano ni Velasco na makamusta ang sitwasyon ng kuryente sa Tablas Island kaya niya ito binisita at para narin magkaroon siya ng idea sa mga electric cooperatives bilang bago siyang Energy Chair sa kamara.
Sinabi naman ni Alag na natuwa si Rep. Velasco sa kanyang pagbisita dahil ang Tablas ang may pinakamalaking micro-grid system sa mga Small Power Utilities Group (SPUG) areas sa Pilipinas, kung saan nag-uusap ang Diesel Plant at Solar Power Plant para mag-supply ng kuryente sa isla.
Ang SUWECO Solar Power Plant ang siyang nagbibigay ng kuryente na pinamamahagi ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) sa buong Tablas Island, Romblon.