Kulong ang abot ng isang lalaki sa Romblon matapos nitong tagain sa ulo ang lalaking naabutan nitong kahalikan ng kanyang kinakasamang babae.
Ayon sa Romblon Police Provincial Office, nangyari ang insidente nitong Linggo ng gabi sa Barangay Capaclan sa bayan ng Romblon, Romblon.
Kinilala ang suspek na si Araque Fredierick, 41, isang construction worker.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 7:30 kagabi, nakipag-inuman umano ang biktimang si Fadullo Mario, 54, sa live-in-partner ng suspek sa loob mismo ng bahay ng biktima nang bigla umanong dumating si Fredierick at nakita ang dalawang masayang naghahalikan.
Umuwi ang suspek sa kanilang bahay hindi para ipagwalang bahala lang pagseselos kundi para kumuha ng bolo at bumalik sa bahay ng biktima kung saan walang anu-ano’y tinaga nito ang biktima sa ulo.
Natigil lang ang komosyon ng umawat na ang live-in-partner na natakot sa oras na iyon dahl sa nangyayari.
Agad namang dinala ng Romblon District Hospital ang biktima para gamutin ang sugat na natamo nito sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo; samantalang ang suspek naman ay agad na inaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station na rumesponde sa insidente.
Nakuha nila sa suspek ang bladed weapon na ginamit sa pananaga.
Nakakulong na ngayon ang suspek at posibleng maharap sa kaukulang kaso.