Pinasok ng baha ngayong umaga ang ilang makeshift classroom sa Azagra National High School sa San Fernando, Romblon dahil sa walang tigil na ulan sa lugar simula pa kagabi.
Sa mga litrato ng pahayagang Romblon Post, makikita ang mga upuan sa nasabing paaralan na lubog na sa baha.
Kinansela na ni Mayor Salem Tansengco ang pasok ngayong araw ng mga estudyante sa San Fernando magmula sa Kindergarten hanggang High School dahil sa masamang panahon.
Ang pag-uulan sa lugar ay hanging habagat na pinalalakas ng bagyong Falcon na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.