Opisyal ng binuksan sa bayan ng Odiongan ang 2019 Provincial Agri-Trade and Tourism Fair kasabay ng unang araw ng isang semanang selebrasyon ng Kanidugan Festival 2019 at 172nd Odiongan Foundation Anniversary sa pangunguna nina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, Mr. Ronie Panoy ng DA-MIMAROPA; at Lea Dagot ng BFAR-MIMAROPA.
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang barangay sa Odiongan matapos hindi makapadala ng mga kinatawan iba’t ibang munisipyo sa lalawigan ng Romblon.
Maliban sa iba’t ibang agri products ng mga barangay ng Odiongan, mayroon ding ilang selling booth na matatagpuan dito na naglalayong maipakita ang mga produktong pang-agrikultura, at mga lokal na produkto gaya ng mga muwebles at handicrafts.
Sa Provincial Agri-Trade and Tourism Fair, maaari kang makabili ng mga gulay, prutas, at iba pang produkto sa pagtatanim o pagsasaka, livestock, furniture, handicrafts at mga lutong kakanin kung saan mabibili sa murang halaga.
Kaugnay nito, naglaan din ang provincial government ng papremyo sa may pinakamataas na kita, kumpleto sa paninda at pinakamagandang booth.
Sa tulampati ni Relly Diokno, officer-in-charge ng Office of the Provincial Agriculturist, sinabi nito na patuloy silang nag-iisip ng mga programa na makakatulong sa mga magsasaka sa buong Romblon kagaya ng pagpapautang, at pagbibigay ng libreng mga binhi.
Magtatagal ang Provincial Agri-Trade and Tourism Fair hanggang April 7.