Sa ospital ang diretso ng isang lalaki sa Odiongan, Romblon matapos saksakin sa dibdib ng kanyang nakababatang kapatid nitong gabi ng Sabado, April 6.
Kinilala ang biktima na si Roseller Garcia, 61 taong gulang, residente ng Barangay Canduyong, Odiongan, Romblon.
Ayon kay Police Capt. Manuel Fernandez Jr., bandang alas-10 ng gabi nitong Sabado, nagpapahinga sa sala si Garcia nang biglang dumating ang lasing na nakababatang kapatid nitong si Roderick, 43.
Nagpatulong umano ito sa matandang Garcia para buhatin ang kahoy na upuan ngunit hindi umano narinig ng biktima dahil mahina ang kanyang pandinig.
Dito na nagdilim ang suspek at biglang sinaksak ang biktima sa kanyang left chest.
Agad namang isinugod ng mga rumespondeng mga residente si Garcha sa Romblon Provincial Hospital para ipagamot samantalang ang suspek ay pinagtulungang maaresto ng mga kamag-anak nito.
Pinalaya na ng otoridad ang suspek matapos magkasundo ang pamilya na hindi na nila ito kakasuhan.