Isang walang buhay na lalaki ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Tulay sa gilid ng national highway sa nabanggit na Barangay.
Kinilala ni Chief Inspector Peter Brian Fallurin, hepe ng Odiongan Municipal Police Station, ang lalaki na si Donato Fadriquela, residente ng Barangay Malilico.
Ayon sa spot report ng Odiongan Municipal Police Station, isang babaeng papasok sana sa trabaho bandang alas-3:40 ng umaga nitong Huwebes, January 10, ang nakakita sa walang buhay na katawan ni Fadriquela.
Agad na tumawag sila ng pulis para imbestigahan ang pangyayari ngunit base sa imbestigasyon ng kapulisan, wala umanong blood stains kung saan natagpuan ang katawan ni Fadriquela at wala ring debris.
Sinubukan pang isugod si Fadriquela sa Romblon Provincial Hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.
Pinayuhan na ng pulisya ang pamilya Fadriquela na isailalim sa autopsy ang katawan ni Fadriquela para matukoy ang ikinamatay nito.
Patuloy na iniimbestigahan ng Odiongan Municipal Police Station ang pangyayari.