Binuksan na sa publiko nitong Linggo, January 06, ang kauna-unahang mini golf course sa probinsya ng Romblon na matatagpuan sa loob ng Cummings Highland Eco Resort sa bayan ng Looc.
Ang Wayne’s Whack em’ Mini Golf Course ay nagmula sa pangalan ng may-ari ng eco resort na si Wayne Cummings, tubong Canada, at ngayon ay naninirahan na sa Looc, Romblon.
Ayon kay Cynthia Cummings, tagapangasiwa sa resort, ang mini golf course ay binubuo ng 9 challenging holes kung saan mararanasan mo ang iba’t ibang obstacles at tiyak mag sasaya ang bawat maglalaro dito. Ang buong golf course ay may kabuoang sukat na 60X73 ft.
Sa halagang P50/person ay pwede ng maka-isang laro sa golf course ang mga bisita, at P140/person naman kung gustong makamura dahil libre na rito ang paggamit ng pool. P500/person naman ang bayad kung gusto maglaro ng 11 games sa mini golf course.
Bukas araw-araw ang Cummings Highland Eco Resort at Wayne’s Whack em’ Mini Golf Course sa bayan ng Looc mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
For reservation you may reach them at +63921 366 6152.