Napasakay ng tricycle si Governor Eduardo Firmalo sa Romblon, Romblon nitong Biyernes, January 11, matapos unahing pasakayin sa personal service nito ang mga bisita ng probinsya na dumalo sa selebrasyon ng Biniray Festival 2019 nitong Sabado.
Sa litratong inupload ni Alexander Fontamillas sa Facebook, makikitang sa likod ng tricycle nakasakay ang Gobernador dahil may nakaupo na sa loob ng tricycle.
Ayon sa mga staff ng Gobernador, patungo si Firmalo sa Governor’s Residence ng makita ng mga residente na nakasakay sa tricycle.