Balik operasyon na ngayong araw, December 29, ang biyahe ng mga barko patungong Romblon galing Batangas at pabalik matapos ibaba ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kategoryang low pressure area (LPA) ang dating bagyong Usman.
Ayon sa Philippine Coast Guard, tinanggal na nila ang suspension ng biyahe sa lahat ng lugar na naapektuhan ng bagyong Usman.
Sa ngayon, may aabot sa 645 na pasahero na patungong Odiongan at Caticlan ang nag-aantay ng anunsyo sa Batangas Port ayon sa Philippine Coast Guard.
Inaasahang makakaalis na rin ngayong araw ang mahigit 850 na pasaherong stranded sa Poctoy Port sa Odiongan.
Related Story: Usman makes landfall in Eastern Samar, turns to LPA; Storm ‘Usman' leaves 850 passengers stranded in Poctoy Port
































