Siyam (9) na bagong Patrol Cars/Jeep mula sa Police Regional Office-MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang ipinagkaloob sa Romblon Police Provincial Office.
Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, spokeperson ng Police Regional Office-MIMAROPA, ang siyam na nabanggit na patrol cars ay bahagi lamang ng 35 na patrol cars na ipinagkaloob sa mga police stations sa MIMAROPA bilang bahagi ng PNP’s Capability Enhancement Program.
Pinangunahan ni Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., regional director ang pagtanggap ng mga sasakyan mula sa national headquarters at pagbibigay sa mga Police Provincial Office nitong Lunes, October 01, sa ginanap na Traditional Flag Raising sa Camp Efigenio C Navarro sa Suqui, Calapan City.
Sinabi ni Police Senior Inspector Ledelyn Ambonan, spokeperson naman ng Romblon Police Provincial Office, na ang mga police stations na makakatanggap ng nasabing sasakyan ay ang mga police stations ng Alcantara MPS, Cajidiocan MPS, Looc MPS, Magdiwang MPS, San Fernando MPS, Sta. Fe MPS, Odiongan MPS, Sta. Maria MPS at isa naman sa Provincial Head Quarters.
Ang pagkakaloob umano sa mga nasabing logistical equipment ay para masiguro na ang mga PNP Personnel na nasa field ay mas maging epektibo na magawa ang kanilang mga trabaho para sa bayan.
Maliban sa nasabing sasakyan, pinamahagi rin ng Police Regional Office-MIMAROPA ang ilang NEGEV 7.62mm kasama ang mga bala, at Level III Combat Helmet