Maghahatid ng State of the Provincial Address (SOPA) sa darating na Lunes, September 17, si Romblon Governor Eduardo ‘Lolong’ Firmalo ayon sa text message na pinadala nito sa Romblon News Network nitong Biyernes.
Inaasahang iuulat ni FIrmalo, na nasa huling termino na bilang Gobernador ng Romblon, ang mga accomplishments ng Provincial Government sa mga nakalipas na taon.
Inaanyayahan ng Provincial Government ang publiko na saksihan ang State of the Provincial Address (SOPA) ni Governor Firmalo sa Romblon Public Plaza sa Romblon, Romblon, 8:30 ng umaga.