Dumating sa bayan ng Sibale nitong nakaraang Biyernes, June 29, 2018, sina Hon. Congressman Emmanuel Madrona at Hon. Vice Governor Jose Riano. Lulan sila ng dalawang chopper na may markang Boracay Helicopter Adventures.
Kasama ring dumating ng mga nabanggit na opisyal si dating Congressman Eleandro Jesus Madrona.
Pumunta ng Sibale ang grupo ni Congressman Madrona upang pangunahan at masaksihan ang panunumpa ng mga nanalong barangay opisyal nitong nagdaang Barangay Election 2018.
Bahagi rin ng kanilang pag-bisita ang makamusta ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at residente ng bayan at tuloy matingnan na rin ang mga pinagagawang mga proyekto ng gobyerno doon.
Pagkatapos ng kanilang agenda sa naturang bayan ay agad ding umalis ang grupo ng Congressman pabalik ng kapitolyo ng Romblon para sa iba pa nilang aktibidad na dadaluhan ng araw na iyon.