Hiwalay na ang kowalisyong binuo nina dating Congressman Budoy Madrona, Governor Eduardo Firmalo, at Vice Governor Otik Riano na tinawag nilang ‘BuLongTik', ayon sa source ng Romblon News Network.
Sinabi ng soure na nagdesisyon na umano ang matataas na opisyal ng kowalisyon na maghiwalay na ilang buwan bago maghain ng Certificate of Candidacy para sa 2019 Midterm Election.
Dagdag ng source na inaasahang magsasama sa isang grupo ang magkapatid na Congressman Emmanuel Madrona at Budoy Madrona kasama si Vice Governor Otik Riano habang isang grupo naman si Governor Eduardo Firmalo.
Wala pang pahayag ang dalawang grupo kaugnay sa balitang ito.
Taong 2013 ng mabuo ang kowalisyong ‘BuLongTik'.




































