Humabol sa pagdiriwang ng Father’s Day ang siyam na lalaki sa Santa Maria, Romblon matapos na ikasal nitong Biyernes sa kani-kanilang kasintahan sa isang Kasalang Bayan sa Santa Maria, Romblon.
Isa na silang mga haligi o ama ng tahanang kanilang binuo at sinumpaan sa harap ni Santa Maria Mayor Artemio Madrid.
Sabay-sabay na nag “I Do” ang siyam na magsing-irog at sabay-sabay ring sinunod ang utos na “You May Kiss The Bride”.
ADVERTISEMENT
Ang nasabing Kasalang Bayan ay nasa ika-18 taon ng ginagawa sa bayan ng Santa Maria.