Aabot sa mahigit 900 mga motorista sa buong lalawigan ng Romblon ang nahuling lumalabag sa batas trapiko ng mga tauhan ng Land Transportation Office at ng Philippine National Police.
Sa datus na nilabas ng Land Transportation Office – Romblon, pinakamaraming nahuling motorista ay lumabag sa hindi pagsusuot ng helmet, sinundan naman ito ng pagmamaneho ng walang driver’s lincense, hindi rehistradong motor, hindi dala ang OR/CR, at iba pang violations.
Pinakaraming nahuling motorista ay sa Odiongan kung saan may 435 o 48% ng kabuoan ng mga motoristang natikitan ng LTO, HPG, at ng deputize police officers sa bawat munisipyo.
Paalala ng Land Transportation Office – Romblon, siguraduhing sumunod sa mga batas trapiko para hindi magmulta.