Sugatan ang isang humaharurot na rider sa Odiongan, Romblon matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isa pang nakapadarang motorsiklo kaninang tanghali sa isang tulay na bahagi ng Barangay Gabawan.
Ayon sa mga saksi, malayo palang umano ay humaharurot na ang rider at pagdating umano nito sa tulay ay nagulat nalang ito dahil may nakaparadang motorsiklo pala sa gilid ng tulay at nasalpok niya ito. Tumilapon ang rider at napahandusay sa kalsada.
Agad na isinugud ang hindi pa nakilalang rider sa Romblon Provincial Hospital para gamutin. Walang helmet at wala ring dalang id ang nasabing rider kaya hindi ito nakilala ng mga tumulong na nakasaksi sa aksidente.
Samantala, hindi naman nasaktan ang sakay ng nasalpok na motorsiklo.