Aabot sa mahigit 6-million pesos ang tinatayang damage ng kabi-kabilang pagguho ng lupa sa mga bahagi ng Circumferential Road sa tatlong malalaking isla sa Romblon.
Ayon sa report ng Department of Public Works and Highways na nakarating sa Office of the Civil Defence MIMAROPA, pinakamalaking damage rito ay nangyari sa Tablas Circumferential Road sa Salingsing, San Agustin, Romblon na aabot sa P3-million pesos ang damage.
Ilan pa sa naapektuhan ay sa Sibuyan Circumferential Road, at sa Romblon-Cogon-Sablayan Road na may aabot sa 6 naitalang landslide.
May mga detours rin Sibuyan Island na sinira ng malalakas na agos ng ilog, ito ay sa Olango Bridge Detour, Punong Bridge Detour, at Tinimbawan Bridge Detour.
Patuloy na inaalam ng DPWH ang estimated cost ng damage sa mga nasabing detours.