Pinangunahan nitong December 18 ni dating Congressman Eleandro Jesus Madrona ang blessing ceremony at pagpapalit ng pangalan sa dating Romblon Provincial Police Office Multipurpose Building na ngayo’y tinatawag na Cong. Budoy Hall, isunuod sa palayaw ng dating mababatas.
Nasa seremonya rin sina Vice Governor Otik Riano, PNP’s Provincial Director Leo Quevedo, Romblon Mayor Mariano Mateo at mga Sangguniang Panlalawigan members.
Ayon sa Romblon Provincial Police Office, pagpapakita lang umano ng kanilang ‘gratitude’ sa dating Congressman kaya nila ito pinangalan sa kanya dahil siya umano ang nagpa-ayos ng hall.
Dinagdagan umano ito ng Comfort Room, Division para pwedeng dalawang seminar o event ang ganapin sa lugar kada araw, nilagyan ng 3 cabinet type air-con, nilagyan ng tile, pinalitan ang mga butas na bubong, kurtina at kisame.