Kasalukuyang nakakaranas ng total blackout ang bayan ng Romblon, Romblon dahil sa patuloy na paghagupit ng bagyong Urduja sa probinsya.
Pasado ala-1 ng madaling araw ng mawalan ng ilaw sa buong bayan.
ADVERTISEMENT
Wala pang pahayag ang Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) kung ano ang dahilan ng blackout at kung ano oras maibabalik ang kuryente sa buong bayan.
Patuloy na nakakaranas ng malakas na buhos ng ulan na may kasamang malalakas na hangin ang nasabing lugar.