Arestado nitong November 30 sa Brgy. Cullianin, Plaridel, Bulacan ang number 1 most wanted person ng bayan ng Romblon, Romblon na si Domingo Roga Fortunato, 62 years old.
Naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station, Provincial Intelligence Branch, Provincial Operation Branch at ng Plaridel Municipal Police Station sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 81 sa Romblon, Romblon dahil sa kasong rape.
Ayon sa Romblon Municipal Police Station, matagal nilang minanmanan ang suspek at ang kanilang pagkakahuli rito ay bahagi ng kanilang pag-aresto sa mga wanted person sa buong bayan.
Si Fortunato umano ay ilang beses na pinagsamantalahan ang isang 38-anyos na babae noong July 25, 2017.
Dinala na sa Romblon, Romblon ang suspek para iharap sa korte.
Maaring mag piyansa ang suspek ng P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.