Magbubukas ngayong 2018 ng branch ang Land Bank of the Philippines sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ayon sa source ng Romblon News Network, nagsisimula na silang mag-hire ng mga empleyedo na graduate ng Bachelor of Business Administration at may eligibility galing sa Civil Service Commission.
Inaasahang ilalagay ang bagong branch ng Land Bank of the Philippines sa Provincial Capitol Building sa Barangay Capaclan.
Ang inaasahang pagbubukas ng branch ng Land Bank of the Philippines sa Romblon Island ay malaking tulong lalo na sa mga government employee na nasa Romblon at kalapit na mga munisipyo sa Sibuyan Island.