Arestado nitong hapon ng December 26 ang isang 55-taong gulang na lalaki sa Romblon, Romblon na kinilalang si Rolando Minas Rugas Jr., 55 -taong gulang at residente ng Barangay Cajimos, dahil sa illegal na sugal na Lotteng.
Ayon kay Romblon Police Provincial Office Spokeperson PSInp Ledilyn Ambonan, naaktuhan umano ng tauhan ng Romblon Municipal Police Station at CIDG-Romblon si Rugas na kumukuha ng taya para sa Lotteng sa nasabing lugar.
Nakatakas naman umano ang tumataya kay Rugas nang makita ang mga pulis na papunta sa kanila ni Rugas.
Nakuha sa suspek ang isang notebook, dalawang page ng notebook na may taya, ballpen, at pera.
Dinala na sa Romblon Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9287 sa Prosecutors Office.