Naaresto na ng pulisya ang Number Two Most Wanted Person ng bayan ng Romblon, Romblon nitong Miyerkules sa isang operasyon ng pulisya sa Barangay Alabang, Muntinlupa City.
Kinilala ang suspek na si Arvin Dominic Madia Del Mundo, 27-taong gulang, at dating residente ng Barangay Sawang, Romblon, romblon.
Naaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station, at Romblon Provincial Intelligence Branch si Del Mundo sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 81 sa kasong rape.
Hawak na ngayon si Del Mundo ng pulisya at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Romblon para iharap sa korte.
Walang piyansa ang kaso ni Del Mundo.