{googleads center}
Nasabat ng Pulisya sa Romblon, Romblon ang walong pirasong pinutol na mahogany lumbers na iniwan sa gilid ng kalsada sa Sitio Ilaya, Barangay Palje, Romblon, Romblon nitong tanghali ng Miyerkules.
Ayon sa Romblon Municipal Police Station, galing ang grupo ng pulis sa bukid para maghatid ng kanilang na-rescueng wildlife ngunit pagbalik nila sa kalsada ay nakita nila ang mga kahoy na tinatayang aabot sa 173 board feet ang laki.
Sa kanilang imbestigasyon, aabot sa apat na puno ng mahogany ang naputol sa lugar at ang hinala nila ay walang permit ang mga nagputol ng nito.
Napag-alaman rin ng pulisya na ang mga naputol na kahoy ay pagmamayari ng isang Willie Madamo.
Dinala na ang mga kahoy sa Romblon Municipal Police Station at nakatakdang i turn-over ang kaso sa Department of Environment and Natural Resources sa Odiongan, Romblon.