Naaresto na ng kapulisan ang Number 03 Most Wanted Person ng Romblon Municipal Police Station sa kanilang isinagawang operasyon sa Barangay Buri, Mandaun, Masbate nitong hapon ng Biyernes.
Kinilala ni Romblon Police Spokeperson PSInp Ledilyn Ambonan ang suspek na si Joey Ruado Maestro, 45-taong gulang, magsasaka at residente ng Barangay Lunas, Romblon, Romblon.
Naaresto si Maestro ng pinagsamang pwersa ng Romblon Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, Provincial Intelligence Branch sa pangunguna ni SPO3 Allan Fruelda, RPPSC at Madaun MPS sa pangunguna naman ni SPO1 Benjie Veruela.
Naaresto si Maestro sa bisa ng isang wrrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 81 noong 2014 sa kasong Frustrated Murder.
Hawak ng Mandaun Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang ibiyahe ng Romblon para iharap sa korte.
Maaring makalaya si Maestro kung magbayad ito ng piyansang nagkakahalaga ng P200,000.
{googleads center}