Napatay matapos na pagtatagain ng sariling bayaw ang isang lalaki sa Barangay Cajimos, Romblon, Romblon nitong gabi ng September 10.
Ayon sa report ng Romblon Municipal Police Station, umaawat lang umano ang biktima na si Roland Merida Roña, 39, sa alitan ng kanyang bayaw na si Sandro Magango Madla, 36, at sa isang lalaking kinilalang si Samuel Madla.
Nag-iinuman umano ang suspek kasama ang kanyang ama at dalawang pinsan sa bakuran ng kanilang bahay ng dumatin si Madla at kinumpronta ang suspek na naging resulta naman ng mainit na pagtatalo. Upang hindi na sana gumulo at lumaki away, gumitna ang biktima at sinubukan sanang awatin ang dalawa ngunit siya ang pinagbalingan ng galit ng suspek at pinagtataga ito gamit ang isang itak.
Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Agad na isinugod ang biktima sa Romblon District Hospital upang mailigtas pa sana ang buhay nito subalit binawian rin ito ng buhay habang ginagamot sa ospital.
Naaresto naman sa hot pursuit operation ng Romblon Municipal Police Station sa pangungana ni Police Senior Inspector Gemie M. Mallen ang suspek na dala pa ang ginamit na itak.
Nahaharap ang suspek sa kasong murder.
{googleads center}