Bilang bahagi ng paggunita ng lenten season, idineklara ni Governor Eduardo Firmalo ng Romblon na kanselado ngayong hapon ang pasok ng lahat ng officials at empleyado ng provincial government.
Sa memorandum na nilabas ng Office of the Governor, sinabi na para umano mabigyan ng pagkakataon na makauwi ang mga empleyado sa mga maliit na isla ng Romblon.
“Wednesday (aftenoon only) of April 12, 2017 is hereby decleared as a special non-working holiday,” ayon sa bahagi ng memorandum.
Sa Odiongan, Romblon; wala na rin umanong pasok ngayong hapon ang Local Government Unit ng Odiongan.
Ayon sa ulat na natanggap ng Romblon News Network, nagpakalat na ng Memorandum si Mayor Trina Firmalo-Fabic kaugnay rito.
Nauna na ring inanunsyo ng Supreme Court na walang pasok ngayong hapon sa lahat ng korte sa buong bansa kabilang na ang mga korte sa lalawigan ng Romblon.