Biyaheng Romblon, Romblon ang aabot sa 32 K9 training dogs ng Philippine Coast Guard para sa isang pagsasanay.
Umalis ngayong araw ang barkong BRP Pampanga (SARV 003) sakay ang 45 candidates K9 Handlers at ang 32 K9 training dogs.
Naganap ang send off ceremony sa Headquarters ng Philippine Coast Guard ngayong araw sa pangunguna ni Captain Nelson B Torre.
Ang mga nasabing K9 dogs at handler ay sasabak sa tatlong buwang training ng Coast Guard K9 Anti Narcotics / Explosive Detection Dog at Handler Specialization Course sa Coast Guard K9 Center sa Romblon, Romblon.
Pagnatapos ang kanilang pagsasanay, maari nang ma assign ang mga K9 units sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.
Ayon sa Philippine Coast Guard, aabot na sa 53 narcotic detection dogs, 84 explosive detection dogs,16 search and resuce dogs at 1 patrol dog ang meron ang Philippine Coast Guard.