Daan-daang isda ang nalambat ng isang grupo ng mga mangingisda sa Barangay Lonos ng bayan ng Romblon, Romblon nitong Linggo ng umaga.
Sabado ng gabi palang umano ay nagsimula ng maglatag ng lambat ang mga mangingisda.
Ayon sa mga nakasaksi, sa sobrang dami umano ng isda ay hindi na nagawang ubusong bilhin ng ilang pumapakyaw ng isda sa bayan ang mga nahuli ng mga mangingisda kaya pinamigay nalang ang mga natira sa mga residente ng Barangay Lonos.
Mga maliliit na isdang ‘tamban’ umano ang mga nahuli ng mga mangingisda. Ito ang kalimitang ginagawang ‘tuyo’ o yung isdang binibilad sa init ng araw.