Ginugunita sa lalawigan ng Romblon at sa buong bansang Pilipinas ang Teacher’s Day bilang pagkilala sa mga guro sa kanilang paghihirap na makapagturo sa mga estudyante magmula elemetary hanggang kolehiyo.
Sa bayan ng Odiongan, magkasamang ginunita ng mga guro sa Odiongan at Ferrol ang Teacher’s Day.
Nagsagawa sila ng joint program sa Odiongan National High School na sinimulan sa isang mass at sinundan naman ng isang pag paparada sa bayan.
Maliban dito, may handog rin na medical at dental mission para sa mga guro ng Odiongan at Ferrol sa ONHS.
Inaasahang paparangalan rin ngayong gabi ang mga most outstanding na Employee, Teachers, MT, Head Teachers o School Heads, School Principal.
Highlight rin ng nasabing pagdiriwang ang Ms. & Mr. Teacher 2016.