Ipatutupad na sa bayan ng Odiongan sa paparating na September 20 ang pagbabawal sa mga kung sino man na manigarilyo sa mga pampublikong lugar at mga pampublikong mga sasakyan.
Sisimulan ang kick-off sa pamamagitan ng isang Fun Run na magsisimula bandang 5:30 ng umaga sa Odiongan Town Plaza, at susundan naman ng Fun Walk paikot sa bayan.
Nitong September 09, pinulong ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang mga representatives ng mga hotels, restaurants, offices, national government agencies, the provincial government, barangay officials, sectoral groups, at iba pa kaugnay sa nasabing ordinansa.
Taong 2014 ng maipasa ang nasabing ordinansa.
Ayon pa kay Mayor Fabic, ang mahalaga dito ay hindi ma exposed sa second hand smoke ang mga non-smokers.
May ilalaan naman umanong designated smoking areas para sa mga hindi mapigilan mag-yusi ang pamahalaang local ng Odiongan.