“Nilalayun namin na lahat ng 2015 (development projects) ay ma implement.” yan ang mga pahayag ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng mga kapanayam ng mga mamahayag nitong Huwebes, September 01.
Ito ay kaugnay sa report ng Commision on Audit na may ilang development projects ang munisipyo ng Odiongan nitong 2015 ang hindi na implement o hindi nagawa.
Sa report ng COA, humango umano ng P19,217,573.80 o 20 percent (%) ng internal revenue allotment ang bayan ng Odiongan nitong 2015 para sa kanilang development projects alinsunod sa Section 287 ng Local Government Code.
Umabot lamang umano sa P11,866.396.08 ng P19,217,573.80 o halos 62 percent (%) lang ng pundo ang ginamit noong 2015, at hindi ginastos ang aabot sa P7,351,177.72.
Pahayag ng Mayora, ang source ng budget ng project ay ang Annual Develpment Plan at may palugit yan na two years.
“So ibig sabihin, kung 2015 fund yun, we have the end of 2016 to implement the project.” ayon sa Mayora.
Kasama sa mga nasa listahan ng COA na hindi na implement ay ang pag-improve sa mga pasilidad ng Children’s Park and Paradise. Ayon sa Mayora, nasa procurement process na umano ang project na ito at nagca-canvass na umano sila ng mga marble na kasama sa mga ilalagay para mapaganda ang nasabing lugar.