Simula October 01, pwede na ma access ng mga bibisita sa Odiongan Children’s Park and Paradise ang free wifi ng local government unit ng Odiongan na ilalagay sa lugar.
Yan ang sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng maging bisita sa programang Mata ng Bayan ni Emmanuel Eranes sa Radyo Natin Odiongan nitong Sabado, September 01.
Pag-uusapan pa umano nila kung ilang oras lang kada araw pwede i-access ang wifi bawat device para umano malimitahan ang gawing tambayan ng mga estudyante ng gusto lang magbukas ng kanilang mga social media accounts.
Pangunahin umano nilang iiwasan ay ang pagtambay ng mga kabataan hanggang madaling araw para lang mag internet.
Sinabi rin ni Mayor Fabic na dagdagan nila ng upuang marble ang Odiongan Children’s Park and Paradise.