Tiklo sa operasyon ng NBI-Anti-Organized Transnational Crime Division sa Las Piñas sa Metro Manila ang isang di umano’y ninja cop na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group Region 4-B.
Kinilala sa report ng GMA News ang suspek na si SPO1 Jommel Andador.
Ayon sa report ni John Consulta sa 24 Oras sa GMA 7 nitong Lunes ng gabi, nakuha umano sa kanya ang isang 9mm na baril, tatlong 45 cal na baril, silencer, at isang asualt riffle. Mga baril umanong walang lisensya.
Nakuha rin sa suspek ang tatlong granada, dalawang plaka na may numerong “8”, pekeng gold bars at forreign bills, at shabu na may street value umanong P300,000.
Itinanggi naman ng suspek ang paratang.
“Wala po tayong involvement sa droga sir, trabahador lang po tayo.” pahayag ng suspek.