Ipapatupad na simula sa darating na September ng pamahalaang local ng bayan ng Odiongan ang pagbabawal sa paniniragarilyo sa mga pampublikongg lugar.
Ayon sa interview kay Mayor Trina Firmalo-Fabic ni Emmanuel Eranes ng Radyo Natin Odiongan nitong Sabado sa kanyang programa sa radyo, sinabi ng Mayora na ang pagbabawal sa paninigarilyo sa bayan ng Odiongan ay isa lamang sa mga ordinansang kanilang ipapatupad simula September.
Kasama sa mga lugar na pagbabawalan ang paninigarilyo ay sa Public Plaza at Children’s Park and Paradise.
Ang ilan pa sa mga ipapatupad na ordinansa ay ang pagbabawal sa mga alagang aso na iwang hindi nakatali lalo na sa mga gumagala sa national highways, at ang pagse-segregate sa tama ang mga basura.
Maaring pagmultahin ang mga lalabag sa nasabing ordinansa.